Rider pisak sa trak
ALBAY—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng trak ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Matacon, Polangui sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Melvin Flores, samantalang, ang sugatan ay ang angkas nito na si Ashley Donnabelt, kapwa residente ng Camarines Sur.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Rene Mangampo kaya nabangga nito ang kinalululanang motorsiklo ng mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Flores, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury si Mangampo.





Comments