Lalaking namumroblema sa GF na matampuhin

Dear Roma, Ako si Charles, 22 years old. First time ko lang magkaroon ng GF, kaya ngayon ay namumroblema ako kung paano ko susuyuin ‘yung girlfriend ko dahil palagi siyang nagtatampo sa akin. May mga araw nga na wala naman akong ginagawa sa kanya, pero nagtatampo na siya sa akin. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana, mapayuhan ninyo ako. Salamat! — Charles
Charles, Alam mo, iho, dahil first time mo pa lang magkaroon ng GF, marahil naninibago ka pa sa sistema na nangyayari sa buhay mo. Easy ka lang dahil for sure, matututunan mo rin ang mga diskarte pagdating sa pag-ibig. Basta make sure lang na hindi mo babalewalain ‘yung GF mo sa tuwing nagtatampo o galit siya sa iyo. Kaunting lambing lang ang kailangan niyan para magkabati na kayo. Good luck at God bless sa inyo!





Comments