Kung aprub sa madir at biyenang-hilaw… DANIEL, TAMEME NA SI ALDEN NA ANG BAGO NI KATHRYN
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 2 min read

USAP-USAPAN ngayon ang bagong team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Of course, tuluyan na ngang nabuwag ang AlDub love team nina Alden at Maine Mendoza to the dismay of their fans.
Pero ang KathNiel fans, intact na intact pa rin. At wala kaming naririnig na pagtutol on their part sa tambalang KathDen.
Sayang nga at wala ang kasama namin sa bahay na si Melai na No. 1 fan ng AlDub, kundi to high heavens na naman sana ang narinig naming pagtutol nito sa bagong tambalan nina Kath at Alden.
Kung walang hirit si Melai o ‘di kaya ang fandom ng KathNiel, nagulat kami sa reaction ng mga biyenang-hilaw nina DJ at Kathryn.
We are referring to Mrs. Min Bernardo and Karla Estrada. Aba’y kung nagkukumahog ang dalawang mother dear noon sa pag-clarify na all’s well between Kath and DJ, heto at mukhang approved na approved sila sa tambalang Alden at Kathryn. Nagpainterbyu pa ang dalawa gayung ‘di naman sila kasama sa movie na gagawin.
Maraming nag-aabang sa sasabihin ni Daniel na nakabakasyon ngayon at mukhang nangangampanya para sa kandidatura ng kanyang tatay na si Rommel Padilla. But we heard not a word from him about the pairing of Kathryn and Alden. Ano kaya’ng say niya tungkol dito?
Asked ng neighbor naming si Joy who was with us the other night, “‘Di ba nagseselos ‘teh si DJ? Paano na ‘yan? Payag ba siyang makipag-holding hands ang kanyang sweetheart sa ex ni Maine?”
Ang tanong namin, paano ‘yung mga sweet moments sa gagawing pelikula? Magkakaroon ba sina Alden at Kathryn ng kissing scene o ‘di kaya’y mga intimate moments?
Both are of age naman na at ‘di puwedeng puro pa-tweetums na lang ang gagawin nila.
Bukod diyan, Cathy Garcia pa ang director. Siyempre, strict ito lalo na sa mga love scenes between the lead actors.
Remember the case of Pia Wurtzbach and Gerald Anderson nu’ng nagkapelikula sila. She really forced the former Ms. U to act and give her all.
Nagsalita raw si Kathryn na parang “matanda” si Alden. If so, baka elder brother ang tingin niya rito. Pag-iwas kaya ito sa maaaring maging reaksiyon ni DJ?
Puwedeng pagselosan ng Kapamilya actor si Alden. After all, 27 lang naman ang Pambansang Bae, very good looking and still available.
Hindi kaya maraming limitations from DJ ang kauuwian ng pagtatambal nina Kathryn at Alden?
Well then, let’s wait for the man himself to react. Abangan!





Comments