top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot timbog sa boga

Pabs Hernandez III
Mar 17, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. San Agustin, Sto. Domingo sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Eddie Grave, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya ang bahay ni Grave sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang kalibre .45 pistola at mga bala.

Nakapiit na ngayon si Grave na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page