top of page

Kahulugan na pinagnanasaan ng kapre

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jennie ng Jennie_Dela_Cruz@face book.com

Dear Professor,

Kamamatay lang ng nanay ko noong naka­raang buwan, pero bago ‘yun ay napananaginipan ko na may mga lalaki raw na umiikot sa kuwarto ng nanay ko at nag-aakyat- baba sa puno sa likod ng kuwarto niya at gusto raw nilang kunin ang aming bahay at iba pang ari-arian.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Jennie

Sa iyo Jennie,

Araw-araw ay nana­na­ginip ang tao, pero bibihira lang mangyari ang mga espesyal na kaganapan sa buhay ng bawat tao, kum­baga, nagkataong namatay ang nanay mo na inakala mong may kaugnayan sa iyong napanaginipan.

Dahil araw-araw ay na­nanaginip ka, masasabing walang kaugnayan ang nang­yari sa nanay mo sa panaginip mo.

Kung walang kinalaman sa pagkamatay ng nanay mo ang iyong napanaginipan, ano kaya ito at para kanino kaya ang panaginip mo?

Ito, Jennie ay may kaug­nayan sa buhay na para maunawaan mo ay dapat mong malaman na ang katawan ng tao ay ang kan­yang templo o bahay, kum­baga, sa katawan nananahan ang tao.

Sabi ng iyong panagi­nip, mag-ingat ka dahil may lalaking nagkakaroon ng in­teres sa iyo at sa kasama­ang-palad, siya ay may ma­samang motibo sa iyo.

Maaaring hindi ka ma­niwala, pero muli, mag-ingat ka at dahil hindi na­man mawawala sa iyo na mag-isip ng hindi kapani-paniwala, narito ang ilang ba­gay na puwede mong ga­win para talunin ang lalaki sa mundo ng pamahiin o ‘yung tinatawag na kapre.

Magsaboy ka ng asin sa loob at labas ng bahay ninyo. Huwag mo itong a­alisin hang­­gang sa ikasiyam na araw.

Sa ngayon, halos lahat ay nagsasabing bawal ang maaalat na pagkain, pero dahil sa panaginip mo, tulad ng nasabi na maaaring ma­ging mapamahiin ka, ang inirekomenda sa iyo ay ang dagdagan mo ng alat ang mga kakainin mo, pero si­yempre, huwag naman sob­rang maalat dahil masama rin ito sa tao.

Siyam na araw mo itong gagawin at pagkatapos nito ay dagdagan mo ang tubig na iniinom mo.

Sa ganitong paraan, ma­gugulat ka, Jennie, dahil ma­giging positibo ka at mag­babago ang iyong pananaw sa buhay.

Dagdag pa rito, gaganda rin ang iyong pakiramdam at hitsura.

Samantala, anu’t anu­man, obligado ka pa ring mag­dasal bago ka matulog at sa iyong paggising dahil ang prayer na ito ay hindi lang panlaban sa kampon ng kadiliman kundi panlaban din ito sa mga taong masama ang pagnanasa sa kapwa.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page