top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

James, 'inilaglag', Angelica pinaasa, niresbakan ng fans… MOVIE NINA NADINE AT CARLO, NILANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 1 min read

PINAG-UUSAPAN sa Twitter ang pag-flop ng peli­kula nina Na­dine Lustre at Carlo Aquino titled Ulan.

Kahit wala raw “ulan” (at may water shortage pa nga), mukhang tinamad ang mga manonood na sumugod sa mga sine­han at panoorin ang unang pagtatambal nina Nadine at Carlo.

Wala pang official announcement na inilalabas ang Viva Films na producer ng Ulan pero umiikot na sa Twitter na P3 milyon lang ang gross ng movie sa first day showing nito.

Kaya naman nananawagan ang mga JaDine fans na sumugod sa mga sinehan ang mga tunay na nagmamahal kay Nadine para suportahan ang pelikula nito kahit hindi si James Reid ang kanyang kapareha.

Samantala, may mga nagsasabi namang hindi pa kasi dapat pinaghiwalay sina Nadine at James dahil malakas lang sila bilang love team pero hindi pa sila established as solo actors na kayang magdala ng sariling movie.

Nega rin daw ang leading man ni Nadine na si Carlo Aquino dahil sa ginawa ni­tong ‘pagpapaasa’ kay Angelica Panganiban kaya hindi sinu­portahan ng CarGel fans ang movie ng aktor.

Well, tingnan natin kapag si James naman ang nagka­roon ng ibang leading lady kung susuportahan ng fans nila ni Nadine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page