HOME FIBR, UMINIT ANG KABLE PINASO ANG CARGO SA PSL
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 2 min read

NAGPAKAWALA ang PLDT Home Fibr ng isang A-game at pasuin ng mainit nilang kable sa 25-20, 23-25, 25-21, 25-18 ang powerhouse F2 Logistics sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Alonte Sports Arena sa Binan City, Laguna.
Muling naging impresibo sa laro si Import Kendra Dahlke, inakay ang Power Hitters sa nakagigitlang panalo sa prestihiyosong women’s club league.
Nakagawa si Dahlke ng 19 points at 10 excellent receptions habang ang kapwa reinforcement na si Grace Lazard ay may 18 para sa PLDT, na naitala ang 6th win.
Ginanahan din sina local stars Aiko Urdas at Joyce Sta. Rita, tumapos ng 11 at 10 na iskor, sa laban na inabot ng 1 oras at 47 minuto.
“We trusted each other and I think that made the difference in today’s match,” ayon kay PLDT setter Jasmine Nabor. “Our game plan worked, especially our combination attacks, because we knew that we can rely on each other. PLDT capitalized on F2 Logistics’ sluggish start with Dahlke and Lazard delivering the goods in the opening salvo.”
Nakuha ng Power Hitters ang momentum tungo sa 6-0 lead sa second set bago nakaiskor sina Lindsay Stalzer at Rebecca Perry ng back-to-back points at iwan ang Cargo Movers sa iskor na 13-12.
Dapat nakapatas na sa tig-isang set, nakaipon ng lakas ang PLDT at kumpiyansa na sila sa 8-0 upang tuluyang umalagwa sa third set.
Dumikit ang PLDT sa 8-4, sa fourth set hanggang sa nang-iwan ito sa 11-5, upang ibigay sa F2 Logistics ang ikalawang talo sa 9 na laban.
Tumapos si Stalzer ng 21 puntos habang si Ara Galang ay may 11 at dumagdag si Perry ng 10 para sa F2 Logistics, na nalaglag sa ikalawang talo sa 9 na laro. (MC/VA)





Comments