'Di ma-take magtabi at magtitigan… ALDEN AT MAINE, SUKANG-SUKA NA SA ISA'T ISA
- BULGAR

- Mar 17, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Babalik na lang sa Pilipinas ang Dabarkads ng Eat... Bulaga! mula sa bakasyon nila sa Israel kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza nang walang picture na magkatabi ang AlDub tandem.
Obvious na nag-iiwasan at nagkakailangan na ang dalawa at sa group picture nga ng Dabarkads, magkalayo na at nasa magkabilang dulo pa sina Alden at Maine.
At least, hindi sila napipilit ng Dabarkads na magtabi para lang matuwa at kiligin ang mga fans nila na nag-aabang ng update sa biyahe sa Holy Land nina Alden at Maine. Kesa naman magkatabi nga, hindi naman nagtitinginan.
Fake rin ang picture na pinalabas ng ilang fans na magkasamang nagkaroon ng Renewal of Baptism sina Alden at Maine, hindi silang dalawa ‘yun.
Katunayan nga, hindi lumusong sa tubig si Alden. Sa picture nito na may caption ng Renewal of Baptism, hindi siya naka-puting damit, naka-jacket ang aktor habang nasa Jordan River at dumaan sa Renewal of Baptism.
Anyway, hindi pa man nagsisimula ang shooting ng movie nina Alden at Kathryn Bernardo sa Star Cinema to be directed by Cathy Garcia-Molina, may nagpo-float na ng balita na baka gumawa rin ng pelikula sina Alden at Sarah Geronimo.
Ang Viva Films lang ang makakapagkumpirma nito. Pero kahit wala pang kumpirmasyon, natutuwa na ang mga fans ng dalawa. May fans sila mula nang magkasamang maging endorser ng Cebuana Lhuillier.





Comments