top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Abril, Mayo, Agosto, Setyembre at Disyembre… MGA BUWAN KUNG KAILAN SUWERTE ANG MGA AHAS NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 2 min read

SA negosyo, pangangalakal, materyal na bagay at pagkakaperahan ngayong 2019 kung saan iminumungkahing dapat aymagdahan-dahan, maging maingat at huwag pumasok sa mga mapanganib na transaksyon ang ahas. Ibig sabihin, hindi ka dapat maglabas ng malaking halaga ngayong Taon ng mga Baboy.

Dagdag pa rito, iwasan mo din ang mga transaksiyong iligal at imoral dahil sa ngayong Taon ng mga Baboy, maaaring habang naghahanapbuhay ka ay maka-encounter ka ng ganu’ng klase ng kalakalan, pero tulad ng nasabi na, upang hindi ka mapahamak, hindi mo ito dapat sunggaban o patulan.

Iminumungkahi ring sa unang paglitaw ng maliliit na problema, solusyunan mo na kaagad at huwag mo na itong palakihin pa dahil may tendency na masuong ka rin sa mabibigat na suliraning may kaugnayan sa maling transaksiyon at sa pagiging gahaman sa pera.

Hindi rin iminumungkahi ang pagpapalit ng trabaho o pagbabago ng negosyo, sa halip, panatilihin mo lang at lalo mo pang pagbutihin at palaguin ang dati mong pinagkakakitaan. Sa ganyang paraan, hindi ka nagbabago ng linya at nagko-concentrate ka sa dati mo ng nasimulan, mas magiging maunlad at masagana sa aspetong materyal at pananalapi ang iyong kapalaran ngayong taon.

Tandaang, sa diskarteng pagiging maingat at dahan-dahan sa pakikipagtransaksiyon ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay sigurado mapapa sa iyo.

Sa aspetong pang-damdamin, pag-ibig at sa pakikipagrelasyon, sinasabing higit na magtatagumpay at magiging maligaya ang Ahas sa piling ng Baka o kaya ay Tandang kung saan ang relasyon Ahas, Baka at Tandang ay sadyang namang magiging maunlad at maligaya.

Habang ang relasyong Ahas at Unggoy ay tinatayang makabubuo rin ng matibay at masayang pagmamahalan. Hindi naman inirerekomenda na mag-asawa o magpakasal ang Ahas ngayong Taon ng mga Baboy dahil ang nasabing pagpapakasal o pag-aasawa ay maaaring hindi magbunga ng masaya at panghabambuhay na pagsasama.

Kung ikaw naman ay dalaga o binata na wala pang girlfriend o wala pang boyfriend, hindi inirerekomenda na makipagrelasyon ka ngayong taon lalo na at hindi mo rin dapat madaliin ang anumang papasukan mong pakikipagrelasyon.

Sa halip, wala kang dapat gawin ngayong 2019 kundi ang ngumiti at magpaganda nang magpaganda. Kung dati ka ng maganda, lalo ka pang magpaganda at salubungin mo ang bawat araw na darating sa iyong buhay na palaging may tuwa at saya sa iyong puso.

Kapag may positive at cheerful attitude ngayong 2019, ngingitian ka rin ng tadhana, pagkakalooban ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit na magdudulot sa iyo ng kakaibang ligaya at pananabik na ni minsan ay hindi mo pa naranasan sa kasaysayan ng iyong buhay pag-ibig.

Gayunman, tulad ng nasabi na, hindi ka pa rin dapat bumigay agad-agad, sa halip, ireserba mo ang iyong puso at damdamin sa susunod na Taon ng mga Kabayo o kaya ay sa Taon ng mga Kambing o Tupa kung saan sa panahong tinuran puwede ka na muling umibig at magmahal ng bonggang-bongga.

Higit namang magiging positibo at maganda ang kapalaran ng Ahas ngayong taon sa mga buwan ng Abril hanggang Mayo, Agosto hanggang Setyembre, gayundin Disyembre hanggang Enero 2020.

Mapalad ang mga numerong 2, 5, 6 at 8 habang suwerteng oras naman ang ika-9 hanggang ika-11 ng umaga. Buwenas din sa Ahas ang kulay red, green, yellow, silver at black higit lalo sa direksiyong timog, timog-kanluran at hilagang-kanluran.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page