top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 YR OLD & ABOVE STAKES RACE SA MALVAR, BATANGAS

Green Lantern
Mar 17, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

WALONG mananakbo ang maglalaban-laban ka­bilang ang dalawang imported na kabayo sa pagtikada ng 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Open Stakes Race” sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong hapon.

Sa mga kalahok, ang couple entry na kinabibilangan ng Cerveza Rosas at Son Also Rises na entry ni Benjur Abalos Jr., Lemon Drop Title at Smokin Saturday na entry ni R.G. Inigo, Gomper Girl at Summer Romance, na entry ni Atty.Narciso Morales.

Makakalaban ang kalahok na Salt and Pepper, na en­try ni Hermie Esguerra at Lakan, mula kay M.V Tirona. Sa mga kalahok makikita ng bayang karerista ang mga kaba­yong Lakan, Salt and Pepper, Son Also Rises, Cer­veza Rosas at Lemon Drop at Smokin Saturday ang mag­lalaban sa unahan.

May nakalaang papremyo na P500,000 sa apat na makakatawid sa finish line, mapupunta ang P300,000. Sa 1st place habang P112,500. ang 2nd place, P62,500 sa 3rd place P25,000 naman sa 4th place. Tatanggap ng P15,000 bilang Breeder of the winning local horse.

Kasabay nito magaganap ang 1st Winner Take All (WTA) sa Race 1 at pinapaboran ang Mother Secret, Song of the Hour at Atinkupung Sinsing at Race 2 maglalaban ang mga kalahok na Garantisado at Haring Bastos na simula ng 1st Pick 5 event.

Sa Race 3 magsisimula ang 1st Pick 6 at pinapaboran ang couple entry na Cerveza Rosas at Son Also Rises, Lemon Drop Title at Smokin Saturday ,Salt and Pepper at Lakan habang pinapaboran ng Rafa laban sa Red Lion at sense of Rhythm sa Race 4.

Sa Race 5 pinapaboran ang Prince Uno, habang sa Race 6 pinipili ang Oak Hill, ang Camiguin Island ang makaka­laban at sa Race 7 pinapaboran ang White Cho­colate, Golden Empire at Boy Paradise. Sa race 8, maglalaban sa unahan ang Karangalan at Marga’s Wonder habang Silab ang napipiling kalahok sa Race 9 at Trust Me ang ipinapatok sa Race 10.

Habang Congrats Sister, ang pinapaboran at Tanforan ang tatalo, magiging parating ang Tap Dance at Head­mastership at El Mundo sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Race 12. Tip ni Mang Ding: Race 1- Song of the Hour (1) Mother Secret (5) Race 2 –Garantisado (6) Low key (1) Race 3-Entry No.1 Entry No.2 Lakan (5) Race 4- Rafa (8) Red Lion (6) Race 5- Prince Uno (7) Race 6- Camiguin Island(7) Oak Hill (3) Race 7- White Chocolate (2) Golden Empire (3) Race 8- Marga’s Wonder (5) Karangalan (4) Race 9-Silab (5) A.P. Factor (3) Race 10-Trust Me (5) Boom Tarat Tarat (1) Race 11-Congrats Sister(3) Tanforan (2) Race 12-Tap Dance (6) Headmastership (5) El Mundo (2)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page