Sundalo todas sa kuryente
Pabs Hernandez III
Mar 16, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang sundalo ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa bayan ng Santa Ana sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Cpl. Joces Camacho, nakatalaga sa Naval Operating Base sa Port Irene sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, inaayos ni Camacho ang kuryente na nagdurugtong sa kanilang barracks at kubo nang mapahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi si Camacho sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments