top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

RUNRIO TRILOGY, AARANGKADA NA PA-CHICAGO MARATHON ANG WINNER

A. Servinio
Mar 16, 2019
2 min read

INAASAHANG mahigit 6,000 mananakbo ang lalahok sa unang yugto ng pinakahihintay na Runrio Trilogy 2019 ngayong Abril 7 sa SM Mall of Asia. Ito na rin ang pang-9 na taon ng patakbo na umusbong upang maging isa sa pinakatanyag na karera sa buong Pilipinas.

Gaya ng dati, tampok sa unang karera ang half-marathon o 21-km. Susundan ng mas mahabang distanya na 32-km Afroman sa ikalawang yugto sa Hunyo 16 at magtatapos sa Philippine Marathon sa Setyembre 22.

Ang mga karera ay dinisenyo na may sapat na pagitan na maghanda ang mga mananakbo at magabayan patungo sa pagtapos ng isang Marathon na may layong 42.195 kilometro.

“Inaanyayahan namin ang lahat na sumali at tuklasin ang kanilang lakas sa pagtakbo,” wika ni Coach Rio de la Cruz ng Runrio Events, ang lumikha ng serye noong 2011.

Maliban sa mga gantimpala para sa mga magwawagi sa bawat yugto, lahat ng mga pinakamabilis ayon sa kanilang edad o age group ay bibigyan na ng pagkakataon na kumatawan sa Pilipinas sa Bank of America Chicago Marathon sa Estados Unidos.

Isa pang pagbabago sa taong ito ay ang paghikayat sa lahat ng sasali na magdala ng sariling lalagyan ng inumin upang maiwasan at mabawasan ang kalat sa lansangan pagkatapos.

Sa isa pang magandang balita, makatatanggap na ng medalya ang lahat ng mga magtatapos pati na rin ang 5-km at 10 km. Ang mga magtatapos sa 21, 32 at 42.15 kilometro ay gagawaran din ng t-shirt at medalya na maaring ikabit para makabuo ng isang malaking medalya pagkatapos ng tatlong yugto.

Maaari nang magpalista sa mga sangay ng Olympic Village sa Trinoma, Market Market, Glorietta 2 at Alabang Town Center at sa SM Mall of Asia hanggang Abril 5. Kasama sa race kit ang t-shirt, numero, lalagyan ng inumin at bag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page