Pahiwatig na huwag matakot sa mga biyayang ipagkakaloob ng langit

Salaminin natin ang panaginip ni Diane ng Diane_Diane@facebook. com
Dear Professor,
Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Ang dami raw lumilipad na ibon, puro ito puti at malalaki.
Bumaba sila lahat dito sa lupa at talagang malalaki sila na parang agila ang hitsura. Hindi ko masyadong maintindihan ang panaginip ko, pero tungkol din ito sa Panginoong Diyos.
Parang may mensahe din at naputol na siya.
Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!
Naghihintay,
Diane
Sa iyo Diane,
Sinasabing sa langit, ang mga anghel ay masasayang nag-aawitan kapag si God ay may ibinalita sa kanila tungkol sa mga taong pagpapalain na tatawaging mga pinagpala.
Dahil ang mga anghel ay tagapagbalita o mensahero na inuutusan ni God, ang mga ito naman ang magbabalita sa mga tao tungkol sa ibinalita sa kanila ni God.
Pero, hindi madaling maisasagawa ng mga anghel ang nakaatang na misyon sa kanila ni God dahil alam nila na ang mga tao ay sobrang mapamahiin, kumbaga, ang tao ay sobrang relihiyoso na ang mga tungkol sa relihiyon ay tinatrato nila na parang milagro. Kumbaga, nawawala na ang simpleng katotohanan dahil nahahaluan ito ng kung anu-anong paniniwala.
Tulad ng mga taong nanaginip ng mga banal na nilalang — anghel, Mama Mary, Sto. Niño at iba pa na aakalain nila na ang mensahe ay tungkol sa pangrelihiyong bagay, kaya dumami lalo sa panahon ngayon ang mga taong akala nila ay sinapian na sila ng anghel, ni Mama Mary, Sto. Niño at iba pa.
Ang marami sa kanila ay nanggagamot at hindi lang pangkaraniwang mga sakit ang ginagamot nila dahil maging ang kanser na malala ay pinagagaling nila. Marami din sa kanila ay makikitang nakalimutan na ang normal na buhay sa mundo dahil wala na silang ginawa kundi ang magdasal.
Dahil sa katotohanang ito, ang mga anghel para makaiwas sa maling pagtingin sa kanila ay madalas din silang nagpapakita sa panaginip sa pamamagitan ng mga ibon, dahon, mapuputing ulap at iba pa na sinisimbolo rin na mga tagapagbalita.
Sa ganitong katotohanan, ang napanaginipan mong maraming ibon ay nagsasabing ikaw ay kabilang sa mga pinagpala, kumbaga, dumating na ang oras na ang “blessing of the Lord shall be with you”.
Pero, saang aspeto ng buhay mo ang biyaya? Ito ay sa malalaking ambisyon mo dahil ang malalaking ambisyon ay sinisimbolo ng agila na mataas lumipad. Kaya ang iyong ambisyon, aminin mo man o hindi ay mataas o matayog, pero kahit ang mga ito ay sobrang matatayog, ibinabalita sa iyo ng langit na huwag kang matakot sa mga biyayang ipagkakaloob sa iyo ng langit.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments