top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Obyus daw sa mata ng aktres… HEART, NAGSALITA NA SA PAGPAPARETOKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SINAGOT naman ng aktres-fashion influencer na si Heart Evangelista ang usap-usapan na diumano’y sumailalim na sa operasyon ang kanyang magandang mukha.

Sa recent vlog entry ni Heart, sinagot niya ang mga assumptions o haka-haka ng madlang pipol tungkol sa kanya.

Isang netizen ang nagtanong kay Heart kung nagpa-eyelid surgery na raw ba ito at dito nilinaw ng aktres na kahit kailan ay hindi pa siya nagparetoke sa kahit anong parte ng kanyang mukha.

Pero bukas naman daw siya sa posibili­dad na gawin ito kapag siya ay nagkaedad na para mapanatili ang kanyang ganda.

Aniya, “When I’m older I would definitely see what I can do, nothing extreme but to maintain, but I did not get eyelid surgery. I think it also comes with aging.”

“I really didn’t do anything to my face. Wala, I didn’t talaga. Wala na akong ma­gagawa,” paliwanag ng aktres.

Inamin din ng aktres-fashion influencer ang sobrang pagkahilig niya sa fashion accessories, damit at high heels, na kahit nasa bahay lang siya ay nakasuot pa rin ng mga bonggang outfit.

Well, totoo nga talaga ang nag-viral na video niya noon kung saan ipi­nakita niya ang kanyang bonggang outfit sa pag­bili ng corned beef sa grocery na ginaya rin ng mga netizens.

Bago matapos ang kan­yang video, may ini­­wanang mensahe si Heart sa madlang pipol.

Aniya, “I just feel good. You know what? At the end of the day, you only live once. Kung ano man ‘yung trip n’yo, ‘yun ‘yung gawin ninyo. Kung ano man ‘yung feel ninyong ikagaganda n’yo, do it.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page