top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malaki raw, pinagpiyestahan ng netizens… BAYANI, IBINUYANGYANG ANG MANOY SA MOVIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 3 min read

KUNG si Bayani Agbayani ang tatanungin, masa­sabi nitong daring ang kanilang pelikulang Pansa­man­tagal na mapapanood na sa March 20.

Naghubad at nagpakita raw siya ng kanyang “ari” sa nasabing pelikula na idinirek ni Joven Tan.

Meron akong frontal,” natatawa nitong bungad.

Naka-plaster ba ang “ari” niya?

Sagot ni Yani, “Secret!”

Ano ang sabi ng kanyang misis na si Lenlen sa kanyang paghuhubad?

Natuwa siya. (Sabi niya) At least ‘yung nakikita ko sa ‘yo, na nananawa na ako, ma­kikita rin ng iba,” sabay tawa ng aktor-komedyante.

Hindi na raw siya nag-inarte na maghubad, “Baba talaga (briefs), walang daya. May frontal ako at may frontal din ‘yung isa,” na ang tinu­tukoy niya’y isang lalaking nakasama niya sa eksenang hubaran.

Ano naman kaya ang sasa­­bihin ng MTRCB sa ganitong klase ng pelikula?

“Natuwa ang MTRCB. Nagpalagay sila ru’n (sa office) ng cross at nagdagdag-mass sila. Araw-araw, may mass ngayon doon, alas-9 nang umaga,” biro niya.

Ano naman kaya ang rating ng MTRCB sa kani­lang movie?

Triple X,” sabay tawa nito. “Rated 16,” bigla niyang bawi.

Paliwanag ni Bayani, “Kaya namin ginawa ito ni Gelli para maiba naman. Kasi ‘yung dati naming project, laging pang-wholesome, pambata. Para masubukan ng mga tao na kung gagawa kami ng ganito, ano ang magiging hitsura namin, at saka kung paano ang pagtanggap ng mga manonood.”

So, tanggap na ng kanyang mga fans na magbo-bold o magpapakita na siya ng private part?

Sana. Kasi ‘di ba, 9 million views na siya sa social media? So, tinanggap ng mga tao.”

Sabi pa ni Bayani, ang pagiging daring nila rito ng leading lady na si Gelli de Belen ay idinaan talaga sa mga “vulgar words” na kaswal lang nilang sinabi at pinag-usapan.

Komedyante si Bayani, pero masasabi raw niya na may pagka-wholesome ang approach niya sa pagpapatawa.

Kinausap kami ni Direk Joven [Tan], isa-isa, lalo na kami ni Gelli. Noong hindi ko pa nakikita ang script, kina­usap ko pa noon si direk sa telepono. Sinabi niya sa akin na ‘Medyo ano ‘to, ha? Wala ‘yung pagka-wholesome mo na gusto mong mangyari.’

“Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya.

“Sabi ko, kaya ko naman ‘tong bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nag­bitaw ako ng medyo bastos, natatang­gap nila.”

Sobrang natuwa nga raw si Bayani dahil sa napakapo­sitibong pagtanggap sa trailer ng Pansamantagal na umabot na agad ng 9 million views sa ilang araw pa lang na nai-upload ito.

“Sabi ko nga, buti tinanggap nila,” saad niya tungkol sa trailer ng pelikula na produced ng Horseshoe Productions.

“Pati ‘yung kay Gelli, tinanggap nila. Kasi, alam n’yo, merong hitsura ang tao na alam nila na hindi ka naman ganu’n kahit sabihin mo ‘yung mga ganu’ng salita, tinatanggap nila.

“Alam din nila kapag hindi mo sinabi at alam din nila kung bastos ka talaga. Alam nila ‘yun.”

Sa trailer ng pelikulang Pansamantagal, tinanong ng karakter ni Gelli si Bayani: “Malaki din ba ang t*t* mo?”

Sa totoong buhay, naranasan na ba niya sa personal na may nagtanong sa kanya kung malaki ang kargada niya?

“Wala naman,” natatawang sagot ni Bayani.

“Pero ngayon, marami na ang nagtatanong. Pati sa mga threads-threads, [tinatanong] malaki ba talaga? Sabi ko, ‘Kayo naman! Ano lang ‘yan,’” natatawang sabi ng komedyante.

Paano kung mauso na may mga kaswal na nga lang na nagtatanong sa lalaki nu’n?

“Hindi ko na maintindihan, sinuong ko na lang ang buhay ko diyan,” hirit niya.

“Pero alam n’yo, natutuwa naman ako para maging ganu’n karami ang views niya (sa socmed). Ibig sabihin, tinanggap siya, lalo na ng mga millennial. Mga anak ko ang nagsasabi,” pahayag ni Bayani.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page