HOROSCOPE | MARSO 16, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 16, 2019 (Sabado): Dadalhin ka ng iyong kapalaran kung saan makahaharap mo ang iyong mga suwerte sa buhay. Ibig sabihin, mapa-lalayo ka sa iyong lupang sinilangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating na ngayon ang masuwerteng araw mo para buuin mo ang iyong plano na may kaugnayan sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang iyong mga kahinaan. Mananalo ka, kaya ang iyong magagandang katangian ay madaragdagan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-21-28-39-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Magiging abala ang isip mo sa mga lugar na umaakit sa iyo. Kapag pinuntahan mo ang mga ito, mananariwa ang lakas mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-24-39-43-46.
CANCER (June 21- July 22) - Maglalapitan sa iyo ang mga puwede mong gawing bagong kaibigan. Huwag kang mangamba o mag-alala dahil sila ay ipinadala ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-27-33-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipagdamot ang mga magagandang aral na nakuha mo sa iyong buhay. Sa ganito, mas lalo kang pagpapalain at hahaba ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-24-26-35-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong palakihin ang problema. Ang palakihin mo ay ang iyong pang-unawa. Buksan mo ang iyong isipan at ang puso mo ay iyo ring buksan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-14-26-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magandang pakikiharap sa mga suki ang isa sa pinakamabisang pormula sa negosyo. Ito ang isabuhay mo nang sa gayun ay maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-23-26-34-47.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang taong madalas mong maalala at naaalala ka rin. Malaki ang maitutulong nila sa iyo para gumanda ang pananaw mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-13-24-26-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paglilinis ng bahay ang isa sa mga pangunahing aktibidad ngayong tag-araw. Maglinis ka ng bahay, gayundin, maganda kung lilinisin mo ang iyong pananaw. Maging positibo ka! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-18-21-23-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang makipagdebate. Sa pakikipagpalitan ng ideya, kunin mo ang maririnig mong maganda. Pakinabangan mo ang akala mong masamang pakikipagtalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-20-21-25-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mukhang hindi ka nabubuhay kapag wala ang makabagong mga personal na gamit. Turuan mo ang iyong sarili na mabuhay nang mag-isa at hindi umaasa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-16-22-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na hindi ka makasama sa pamamasyal sa malalayong lugar. Ang totoo nga, dapat ikaw ang manguna sa pagpaplano at pagsasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-24-27-39-45.




Comments