'Di pa tsugi sa noontime show… MAINE, BALIK-EB! NA, JOIN DIN SA BAKASYON NG DABARKADS
- BULGAR

- Mar 16, 2019
- 1 min read

ATATAHIMIK na ang loob ng maraming fans and supporters ni Maine Mendoza dahil muli na itong napapanood sa noontime show na Eat… Bulaga!.
Halos mahigit isang linggo ring nawala sa EB! si Yaya Dub na sinabayan ng kanyang birthday post na umaamin sa relasyon nila ni Arjo Atayde.
Kaya naman may mga naglabasang balita na diumano ay tinanggal na siya sa Eat… Bulaga! at pinalitan ni Luanne Dy sa segment niyang Sugod Bahay.
Ilang araw na nag-abang ang mga fans ni Maine sa pagbabalik niya sa EB!. Hindi rin naniniwala ang mga AlDub fans na tsinugi na siya sa show. Mahal kasi siya ng mga hosts ng Eat… Bulaga! at ganu’n din ng buong staff ng nasabing noontime show.
Umasa rin silang kasama si Yaya Dub sa Holy Week trip ng Dabarkads sa Holy Land na bigay ni Mr. Tony Tuviera, ang bossing ng Eat…Bulaga!. And true enough, join nga si Maine at nakapagteyping na rin sa Eat… Bulaga!.
Masayang-masaya ang mga fans ni Menggay nang muli nilang napanood sa EB! ang kanilang idolo! Sa kabila ng mga isyu kay Maine, siya ay mananatili pa ring bahagi ng Eat… Bulaga! family.





Comments