'Di lang sina James at Nadine… BUKING: JAKE AT KYLIE, MAGKA-LIVE-IN NA RIN SA CONDO


USO na yata talaga ngayon ang live-in setup among our showbiz couples. At kung dati’y itinatago pa ang ganitong sitwasyon dahil sa takot na mahusgahan at masira ang kanilang career, oh, ‘di ba’t sila na mismo ang umaamin ngayon tulad na lang nina James Reid at Nadine Lustre?
Ang latest chika ng aming source, maging sina Jake Cuenca at Kylie Versoza pala ay nagli-live-in na rin.
Madalas daw na spotted ang dalawa sa Bellagio Condo sa BGC, The Fort kaya kumbinsido ang source na ru’n nakatira ang dalawang Los Bastardos stars.
Kung matatandaan, una na rin naming naisulat dito sa aming kolum a few months ago na spotted sina Jake at Kylie nu’ng naghahanap pa lang ng kanilang lovenest.





Comments