Mga suspek nagpakamatay din | ISKUL NIRATRAT, 10 TODAS
DALAWANG lalaki ang namaril sa isang pampublikong paaralan sa Brazil dahilan para masawi ang sampu katao sa Suzano, Sao Paulo.
Ayon kay Sao Paulo Governor Joao Doria, nasa edad 20 hanggang 25 ang dalawang suspek.
Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nasawi ang dalawang guro at anim na estudyante, gayundin ang dalawang suspek na nagpakamatay pagtapos ng pamamaril.
Gayunman, inaalam pa ng awtoridad kung ang mga suspek ay dating estudyante sa naturang paaralan at motibo sa krimen.





Comments