Guilty sa sex abuse | CARDINAL PELL, 6 YRS. KULONG
HINATULAN na si Cardinal George Pell matapos mapatunayang guilty sa pang-aabuso sa dalawang menor-de-edad sa Australia.
Ito ay matapos makatanggap ng reklamo na umano’y nang-abuso ng dalawang 13-anyos na binata sa Melbourne Cathedral noong 1996.
Gayunman, aapela ang mga abogado ni Pell dahil walang sapat na impormasyon at hindi umano makatarungan ang naging basehan ng desisyon ng korte.
Una rito, ayon kay Judge Kidd, haharap sa anim na taong pagkakabilanggo si Pell.
Samantala, nagtungo rin sa korte ang dalawang biktima upang masaksihan ang pagsentensiya sa akusado.





Comments