Bebot na tulak timbog
Pabs Hernandez III
Mar 15, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang babaeng bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sawang Calero sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Vanessa Lauron, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit isang kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Lauron na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments