Weder-weder lang talaga… SARAH, NATAOB NA NI MOIRA
- Beth Gelena
- Mar 14, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NANGUNGUNA ang pangalan nina Moira dela Torre, Sarah Geronimo at Kyla sa OPM Playlist 2019.
Narito ang Top Ten OPM songs:
1.Tuwing Umuulan ni Moira kung saan napakaganda ng kanyang rendition na tamang-tama sa kanyang boses; 2. Paano Bang Magmahal? ni Sarah; 3. Hanggang Ngayon ni Kyla; 4. Kung ‘Di Rin Lang Tayo ni Moira; 5. Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ni Sarah; 6. Malaya ni Moira; 7. Ikot-Ikot ni Sarah; 8. It’s Over Now ni Kyla; 9. Isa Pang Araw ni Sarah at 10. I Don’t Have The Heart ni Kyla.
Kung susuriin, wala pa ring kupas ang singer-actress na si Sarah. Apat na kanta niya ay pasok sa Top 10.
‘Yun nga lang, naungusan siya ni Moira na siyang nangunguna sa OPM songs.





Comments