Rider todas sa aksidente
ILOCOS NORTE—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng bumangga sa trak ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Darayday, Laoag City sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Santiago Santos, samantalang, ang sugatan ay si Clarr Ramos, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Santos habang angkas si Ramos kaya bumangga sila sa umaatras na trak na minamaneho naman ni Edwin Romero.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Santos, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury si Romero.





Comments