top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ngiti Ni: Isbab

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2019
1 min read

Ang iyong ngiti ang siyang pumupukaw sa mga pighati.

Kahit ano ang aking mga problema, parang bula itong nawawala

kapag kasama ka.

Oh, anong ligaya, kapag kapiling ka.

Ang iyong ngiti ang siyang nagsisilbing lakas sa tuwing ako ay lumuluha.

Napapawi ang lahat basta tayo ay magkasama.

Hindi maitatangging mahal talaga kita, lalo na ang pag-ibig natin ay

bumalik na lang nang bigla.

Pag-ibig na pangmatagalan at panghabambuhay, ito ang aking

dasal sa Maykapal.

Sana, gayundin ang iyong hilingin nang sa gayun ay mas malakas

ang puwersa natin.

Mahal kita, mahal mo ako.

Ang mga ngiti natin ay magkapareho.

Iniisip na sana ay wala ng katapusan ito,

nandito ka lang palagi sa puso ko.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page