Nameke raw ng papeles maibenta lang ang lupa ng madir… GABBY, IDINEMANDA NG SARILING KAPATID

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAHAHARAP sa reklamong falsification of public documents ang aktor na si Gabby Concepcion laban sa kanyang nakababatang kapatid na si Miguel Concepcion dahil sa diumano’y pagbebenta ng aktor sa isang lupa ng kanilang ina.
Inihain na ng nakababatang kapatid ni Gabby sa Criminal Investigation and Detective Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang kanyang reklamo.
Ayon sa complaint ni Miguel, nagkaroon ng anomalya sa pagbebenta ni Gabby ng lupa na pagmamay-ari ng kanilang ina na si Mrs. Maria Lourdes Concepcion sa San Juan, Metro Manila na may sukat na 890 square meters.
Ayon sa abogado ni Miguel na si Atty. Tyrone Cimafranca, hindi maaaring ibenta ng ina ni Gabby ang lupa dahil nasa Amerika siya at hindi puwedeng mapirmahan ang mga dokumento at humarap sa notary public.
“Their mother was in the United States and could not have signed the documents nor appeared in front of the notary public as stated in the acknowledgement page submitted to the Land Registration Authority [LRA],” pahayag ni Atty. Tyrone.
Nagpasa na raw si Mrs. Concepcion ng kanyang pasaporte sa CIDG-NCR at napatunayan na nasa ibang bansa siya noong pinoproseso ang pagbebenta ng lupa.
Ayon kay Miguel, nalaman lang nila na iba na ang nakapangalan sa titulo ng lupa two months ago, kaya sinubukan daw niyang kausapin ang kanyang Kuya Gabby ngunit hindi na raw siya nito pinapansin.
Ayon naman sa ulat, nililikom na ni CIDG-NCR Chief Supt. Tom Ibay ang mga kaukulang dokumento para sa reklamo bago nila imbitahan si Gabby at imbestigahan.





Comments