MMA FIGHTER MCGREGOR, ARESTADO ULI


INARESTO si Mixed martial arts fighter Conor McGregor kamakalawa ng American police nang dahil sa pang-aagaw sa cell phone ng isang fan sa labas ng isang Florida nightclub.
Nakasuhan ang 30-anyos na Irishman ng criminal mischief at strong-armed robbery na ayon sa Miami police ay tinabig nito ang cellphone mula sa kamay ng isang fan at saka nito tinapak-tapakan ang mobile phone.
Ayon sa arrest report, kukunan sana ng isang fan ng litrato si McGregor gamit ang kanyang cellphone na may halagang $1,000 pero tinabig ito ng fighter, tinapak-tapakan, dinampot at hindi na ibinalik sa may-ari. (MC)





Comments