LADY EAGLES, MATAYOG ANG LIPAD SA TUKTOK NG STANDINGS
- BULGAR

- Mar 14, 2019
- 1 min read

BUMAWI ang Ateneo de Manila University sa kabiguang natamo sa second set upang manatiling nangingibabaw sa team standings ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball tournament matapos igupo ang Adamson University, 25-8, 22-25, 25-16, 25-10, kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Mula sa malamya nilang panimula sa first frame,bumalikwas ang Lady Falcons at nakipagsabayan sa Lady Eagles hanggang makatabla sa 19-all at tuluyang makabig ang kontrol ng laban,23-20 kasunod ng dalawang service aces ni setter MJ Igao.
Sinikap pang humabol ng Ateneo, ngunit sinelyuhan nina Chiara Permentilla at Eli Soyud ang set win para sa Lady Falcons.
Sa huling dalawang sets, nabawi ng Lady Eagles ang kontrol ng laro upang makopo ang ikalimang dikit nilang panalo mula ng mabigo sila sa kanilang archrival De La Salle sa una nilang laro.
”Well, my players really prepared in this game. We don’t want to be out of focus coming into the game. Sobrang kaunti lang ng pahinga namin, so we really had to work hard right away and set our goals and mindset right away,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.
“I really admire my players in their sacrifices and their hard work. They really have to study pa, tapos mage-ensayo pa kami so hindi madali ang ginagawa nila. I admire my players,” dagdag nito.
Nagtala si Ponggay Gaston ng career-high 16 puntos bilang topscorer para sa Lady Eagles na sinundan nina Kat Tolentino at Bea De Leon na may 15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.
Nag-iisa namang tumapos na may double digit si Eli Soyud para sa Lady Falcons sa itinala niyang 13 puntos. (VA)





Comments