top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit magkasama na sa Siyete, aktor 'di mapatawad… MYLENE, SUKANG-SUKA PA RIN KAY JOHN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2019
1 min read

KAHIT pareho nang nasa Kapuso Network ngayon, hindi dapat ipinipilit na pagbatiin sina Mylene Dizon at John Estrada na nagkaroon ng isyu last year.

Huwag munang lagyan ng tulay ang kanilang pagkakasundo hangga’t hindi pa tanggap ng kani-kanilang kampo. Pasasaan ba’t lalamig din ang kanilang kapaligiran at huhupa rin ang anumang galit at sama ng loob sa pagitan nila.

Si John, todo-iwas na kapag si Mylene ang itinatanong ng media sa kanya. Sa seryeng Kara Mia inilagay si John samantalang si Mylene ay isa sa major cast ng seryeng Sahaya.

Sabi nga, “Time heals all wounds.”

Sa tamang panahon, siguro ay magkakapatawaran din sina Mylene at John. Sariwa pa ang lahat at nagpakatotoo lang si Mylene sa kanyang nararamdaman.

Sa mediacon ng Sahaya, hindi siya mapilit na mag-comment tungkol sa isyu nila ni John. Sahaya ang project na tinanggap niya sa GMA-7, kaya walang posibilidad na magkakasama sila sa isang project ni John.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page