Kahit 4 yrs. na sila… SNOOKY, KUMANTA KUNG BAKIT AYAW PANG PAKASALAN NG BF NA DATING VICE-GOVERNOR


Sa grand mediacon ng Kapuso newest primetime teleseryeng Sahaya, na-interview namin si Snooky Serna na gaganap bilang Salida na kontrabida nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Naitanong namin ang kanyang love life kung magpapakasal na ba sila ng boyfriend niya for four years now?
“No. Not yet,” sagot niya agad with matching Broadway smile.
Asked ni yours truly, “Politician siya, ‘di ba?”
“Former…former politician. Now, wala siyang balak tumakbo this coming election 2019 kasi he’s too busy taking care of his other businesses. He has a school. He is the chairman of the school, tapos may iba pa siyang negosyo aside from that. Parang he is so concentrated now on being a businessman. So, sabi niya, kung maso-shortage lang niya ang taumbayan, huwag na lang. Actually, ako, kung ano ang gusto niya, hindi ko naman siya pipigilan.”
“Ano nga name niya uli nu’ng ipakilala mo sa ‘kin three years ago nu’ng magkita tayo sa isang concert nu’n sa Kia Theater?” tanong-paalala namin kay Snooky.
“Ay, oo, ipinakilala ko na nga siya sa ‘yo, Tamers. Si Vice-Governor Ramon Villarama. Ipino-post ko naman sa social media. Open naman ako, eh. At saka, 28 years na kaming magkaibigan. Kaya lang, ngayon lang kami talaga nagkaroon ng kumbaga, parang we thought of serious relationship if I may call it that way.”
So, bakit hindi pa nila napag-uusapan ang kasal?
“Parang kasi… I want to keep it private. I mean, a little more private about it. Kasi I’ve noticed compared to my relationship in the past like ‘yung obviously kay Ricardo Cepeda, open na open, parang nadyi-jinx, eh, hahaha!
“Pero kapag private, keep it mum na lang, mas okay. Pero hindi ko naman siya idini-deny. Ayoko lang nang ibino-broadcast ‘yung relationship namin nang todo-todo, so parang everything goes smoother. And I am happy wala akong masabi ngayon sa aming relationship but I’m just so thankful to God that I finally have a smoother relationship that is keeping me sound and is making me a better person.”
Okay lang sa mga anak niya?
“Ay, opo. Opo naman. Nagkakasundo naman sila. Yes, very much. They love each other and I am thankful that his family, too, has been so nice to me, and my family is nice to him as well. Wala namang conflict, thank God.”
Mabuti naman kung ganu’n! As the lyrics of the song goes… “Love is lovelier the second time around…” ‘ika nga. Boom, ‘yun na!
So, abangan na lang ang pagiging super salbahe ng isang Snooky Serna na dating pa-tweetums nu’ng kanyang kabataan, para swak din ang saying na… “Time changes and so do people!” Pak, ganern!





Comments