Habal-habal driver pinatay
NORTH COTABATO—Isang habal-habal driver ang napatay nang barilin ng dalawa niyang pasahero, kamakalawa sa Bgy. Salama, Banisilan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ernie Nicor, residente ng Bgy. Bao, Alamada sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, sumakay ang dalawang hindi kilalang suspek at nagpahatid sa Bgy. Salama at pagsapit sa naturang lugar ay dito na nila pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments