Ano ‘to, Daniel… KATHRYN AT ALDEN, ISANG BUWAN MAGSASAMA SA HONGKONG


HEARDA na talagang inilaban daw ni Alden Richards sa APT Entertainment ang offer ng Star Cinema na pagsamahin sila ni Kathryn Bernardo.
May movie contract kasi ang Pambansang Bae sa naturang produksiyon kaya hindi siya puwedeng gumawa sa labas unless nga ipagpapaalam at may permiso.
Noong una nga raw ay ayaw pang pumayag ng APT, pero talagang inilaban ni Alden ang movie dahil gustung-gusto talaga niyang gawin. Unang-una na ay dahil sa direktor na si Cathy Garcia-Molina na noon pa raw gustong makatrabaho ng aktor.
Tulad nga ng mga naglabasan na sa social media, nagkaroon na ng storycon ang movie na wala pang title last Tuesday.
Sa post nga ni Roxy Liquigan ng Star Cinema, nilagyan niya ito ng hashtag na #5monthspreparation, which means 5 buwang tinrabaho ang pag-oo ni Alden at pag-deal sa movie.
“Thank You @aldenrichards-02 for accepting this movie project:) and thank You Philip’s Celebrity Access for paving the way:) #5monthsPreparation,” caption ni Roxy.
Isang buwang isu-shoot sa Hong Kong ang movie bilang mga OFWs ang role nina Kathryn at Alden. Almost 90% ng movie ay kukunan sa nasabing bansa at mga set-up-set-up lang dito sa ‘Pinas.
Ang gustong malaman ngayon ng mga fans ay kung ano ang reaksiyon ni Daniel Padilla na boyfriend at ka-love team ni Kathryn. At mukhang totoo ang tsismis na for this year ay paghihiwalayin muna ang KathNiel love team.





Comments