top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

12 PLAYERS NG VOLCANOES, SASABAK SA WORLD RUGBY

Eddie M. Paez, Jr
Mar 14, 2019
1 min read

LABING-WALONG disipulo ng Philippine rugby na lang ang nalalabi sa talaan ng volcanoes na puwedeng sandalan ng bansa sa pag­sabak nito sa World Rugby Sevens Series Qualifiers 2019 ngayong Abril 5 hang­gang 7 sa National Stadium ng Hong Kong.

Sa patuloy na pagbaba­la­sa ng pamunuan ng Philip­pine Rugby Footbal Union sa national team, nanana­ti­ling may tsansang makapag­suot ng national colors sina Christopher Arpon Bird, Da­niel Bembo Matthews, Do­nald Canon Coleman, Edlen Cortez Hernandez, Evan Santillan Spargo, Jaime Se­bastian Antonio Chuidian, Jerome Padillo Rudder, Joe Palabay Dawson, Jonico Ater Hardwick, Justin Villa­zor Coveney, Mark Mapac­pac Roberts, Patrice Ortiz Olivier, Robert Luceno Fogerty, Ryan Reyes Howe, Tim Alonso Berry, Timo­thy Bweheni, Tommy Kalaw Gilbert at Vincent Amar Young.

Magkakaroon pa ng karagdagang pagsasala sina coach Frano Botica at David Johnston hanggang sa bu­maba ang final line-up sa isang dosena.

Taong 2013 pa nang huling mag-qualify ang mga Volcanoes sa prestihiyosong paligsahan. Matatandaang, naka­pasok sa torneo ang Pilipinas matapos na magtagumpay ito sa pagkuha ng isang upu­an sa podium sa kauna-una­hang pagkakataon noong 2018 sa tulong ng pagpapa­dapa sa Sri Lanka, 19 - 7, sa huling laro ng Volcanoes sa huling yugto ng Asian Se­vens Rugby Series sa Race­course Stadium ng Colom­bo, Sri Lanka.

Ang panalo ay nagsil­bing pagresbak ng bansa sa Sri Lanka matapos itong masingitan ng Tuskers sa Hongkong leg ng seryeng bukas lang sa walong pina­kamalulupit na bansa sa buong Asya sa larangan ng rugby.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page