top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Umaming 3 yrs. nang live-in… JAMES AT NADINE, BAD INFLUENCE SA KABATAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2019
1 min read

IBANG-IBA na nga ang henerasyon ngayon ng mga fans and supporters ng mga artista. Hindi na big deal at kabawasan sa kanilang paghanga kung nagli-live-in na ang kanilang mga idolo.

Ang mahalaga ay nagpakatotoo at napa­pa­saya sila ng kanilang mga hina­hangaan. Tulad sa setup ngayon nina Nadine Lustre at James Reid na umaming tatlong taon nang nagli-live-in.

Pareho naman silang nasa tamang edad na at tanggap ng kanilang partidos ang setup ng kanilang relasyon.

Masaya namang pareho sina Nadine at James at ang maha­laga, nagagampanan naman nila nang maayos ang mga commitments na kanilang tinatanggap.

Wala rin silang inaabalang sinuman kapag may problema ang kanilang relasyon.

Pero iba naman ang pananaw ng mga grupo ng moralista sa live-in setup ng JaDine. Iniidolo ng maraming kabataan ang dalawa. Paano sila tatayong role model kung sila mismo ay pabor sa pagli-live-in imbes mag­pakasal?

Paano kung gayahin din ng kanilang mga fans ang live-in setup nila dahil umamin na sila sa publiko?

Pero sey naman nina Nadine at James, tanggap ng kanilang mga fans ang pagli-live-in nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page