MANDATUM VS. SENIOR LUCAS, PARATINGAN SA WTA

SA paghataw ng mga kalahok, may kahirapan ang pumili ng mga kalahok sa pipiliing pamoste para sa Winner-Take-All (WTA),Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Additional One Win sa Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong gabi.
Magsisimula ang karera ng 6:45 p.m. sa pagtikada ng 3 Year Old Group Race Merge (6-7) sa Race 1 simula ng WTA. Maglalaban-laban ang mga kalahok na Snap Dance; Fever Act; Royal Bell; Magtotobetsky; Couple entry No.7 (Change the World at Will to Win) Entry No.8 (Princess Ariana-Ariana Malia).
Sa pagtikada ng race 2 na magsisimula ang Pick 6 event, pinapaboran ang couple entry number na Gossips at Bond’s Mission laban sa Couple Entry na My Lady Conza at Shining Sword.
Habang maigting na labanan ang magaganap sa Race 3 na panimula ng Pick 5 event sa pagtikada ng Group Race (9) na pinapaboran ang App Da Bonus,ang Couple Entry na Dare to Be at One Square Foot, Shout For Joy, Can’t Rule Out, Cinco Del Drinco.
Sa Race 4, maglalaban-laban ang mga kalahok na Humuhumunukunuku; Isa Pa Isa Pa at Eugene’s Fairy. Nakalalamang ang Play It Safe laban sa Beautiful Lady, Camorra at Apple Du Zap sa Race 5.
Magtatagisan ng galing ng mga kalahok na Mandatum, Senor Lucas, Glitter Face, Morning Breeze at Backdoor Cover sa Race 6. Napipisil sa race 7 ang Professor Jones, Pusang Gala, Miss Marshall, Lady Pio at Marino ng Tanglaw na paratingan sa WTA Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Snap Dance (1) Royal Bell (4) Magtotobetsky (6) Entry No.8 Race 2 -Entry No.1 Entry No.3 Race 3-App Da Bonus Entry No.4 at Can’s Rule Out; Race 4-Isa Pa Isa Pa (3) Eugene’s Fairy(5)
Humuhumunuko(2) Race 5- Play It Safe (5) Camorra (2) Beautiful Lady(3)
Race 6- Mandatum (3) Senor Lucas (4) Glitter Face (5) Race 7-Professor Jones (2) Lady Pio (9) Miss Marshall (5)





Comments