top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalo na kung wala kayong budget para mag-outing, besh! MGA PATOK NA NEGOSYO NGAYONG SUMMER!

Thea Janica Teh
Mar 13, 2019
2 min read

Bulgarific Lifestyle

“SUMMER is waving at you”, mga bes, nalalapit na rin ang bakas­yon! Kabi-kabila na ang yayaan ng magbabarkada, officemate at buong pamilya sa get-together at bakasyon-grande. Pero, huwag hayaan na maging drawing lang ang lahat ng inyong plano dahil may mga paraan para kumita ngayong bakasyon.

Matatapos na ang school year, it means, matatapos na rin pansamantala ang baon! Kaya, mga bes, bago pa ihinto ang inyong baon, mag-ipon na para sa inyong small business ngayong summer!

Anu-ano nga ba ang puwede nating pagkakitaan na perfect sa mga student at stay-at-home mom?

1. FOOD BUSI­NESS. Perfect na business ang pag­kain dahil alam n’yo na, food is life! Sa maliit na puhunan, maaari tayong mag­benta ng street foods tulad ng barbeque, fishball, kikiam, cheese stick, banana cue at marami pang iba. Samahan pa ‘yan ng samalamig na pamatid-uhaw sa nag-iinit na panahon. Pero, tips lang mga bes, siguradong marami kayong kakumpitensiyang kapitbahay, kaya naman gawing unique ang inyong ibinebentang pagkain. Lagyan ng twist na siguradong magugustuhan ng tao.

2. GARAGE SALE. Sangkatutak at tambak na ba ng damit, accessories, bag at sapatos na hindi na nagagamit ang kuwarto ninyo? Dahil food is life, marami na ba kayong damit na napagliitan na o mga gamit na puwede pang pakinabangan ng iba? Huwag itong basta-basta itatapon dahil maaari pa itong ibenta! Buksan lamang ang bakanteng lote sa labas ng bahay ninyo at saka isampay at i-display ang mga preloved item na maaari pang ibenta, oh, ‘di ba, winner na winner sa kita?

3. ONLINE SELLING. Kung walang garahe o vacant space sa bahay at mayroon kang social media accounts, ito na ang sagot! I-post lamang ang inyong mga preloved item o kahit ang mga pagkaing ibinebenta, kering-keri ng i-deliver! Dahil sa umu­unlad nating teknolohiya, mas pinadali at maaa­sahan ang mga courier, sigurado pang kikita ka!

4. CUSTOMIZED PRODUCT. Kung kayo naman ay may angking talento sa pagpipinta o mayroong creative mind, maaari ninyong pagka­kitaan ang inyong mga obra-maestra! Maaaring sa t-shirt, sapatos, bag at accessories! Sigurado pang unique dahil ikaw mismo ang gumawa na maaari rin nilang ipanregalo sa kanilang friends.

5. BLOGGING. Hindi lang ito basta-basta hobby, dahil sa inyong blog, kikita ka na rin! Ito na ang tamang oras para gumawa ng travel blog na tiyak na ikae-enjoy ninyo! Kikita kayo sa pamamagitan ng advertisement display, sponsored posts at affiliate marketing. Maaari rin ninyong i-blog ang sarili ninyong business. Hindi lang ito pang-summer business, ito na rin ang simula ng inyong pangmatagalang negosyo! Oh, ‘di ba, nakapag-blog ka na, nakapag-travel at kumita ka pa?

Kaya mga bes, huwag hayaang sa kapitbahay lang ang out-of-town ninyo. No excuses na kapag nagkayayaan ang magbabarkada dahil tiyak na makakasama na kayo! Matutuwa pa niyan si mother dahil bukod sa sarili mong pera, alam na rin niya na natututo ka ng mag-ipon at kumita.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page