Kaya kung magsu-swimming kayo, dapat ay gawin ninyo ito... FLOATING, EPEKTIB NA PANLABAN SA STRESS!
- BULGAR

- Mar 13, 2019
- 2 min read

DAHIL panahon ngayon ng pagbababad sa swimming pool, make sure na matututunan ninyo ang ‘floating’ dahil ayon sa mga eksperto, epektibo raw itong panlaban sa stress at anxiety.
Talaga ba?
Ayon sa mga eksperto, ang pagpo-floating umano ay nakatutulong upang labanan ang pagkakaroon ng depression at anxiety dahil kaya nitong paliitin ang cortisol production.
Sa pag-aaral, ang mga kalahok na nagpo-float nang 12 beses ay nabawasan ang pain, stress, anxiety at depression, gayundin, na-improve ang kanilang sleep quality at general optimism.
Gayunman, bukod sa mga pain reliever na nabibili natin sa mga botika, keri rin umanong tanggalin ng floating ang mga sakit na ating nararamdaman. Hu-hu-hu!
Mapasakit ng ngipin, tiyan o ulo pa ito.
Ito ay dahil ang floating ay nag-o-oxygenates ng katawan na nakapo-promote ng vasodilation o ‘yung magandang daloy ng dugo patungo sa ating utak, organs at limbs na may tungkuling i-minimize ang ating muscular pain.
Dagdag pa rito, para sa mga atlethic diyan, good sa inyo ang pagpo-floating dahil nakatutulong ito upang ma-reduce ang lactic acid sa inyong dugo na maganda para makapagpokus kayo habang naglalaro. Nice!
Samantala, kung feeling mo naman, eh, wala kang ka-talent-talent, for sure, sa pagpo-floating, eh, mababago ito dahil ayon sa mga dalubhasa, ito umano ay nakapagti-trigger para maging creative ang indibidwal kaya maging ang musicians, writers at creative performers ay may mapakikinabangan dito.
Sa katunayan, sa Journal Music and Medicine, natuklasan na ang pagpo-floating ay nakai-improved ng abilidad ng mga musician lalo na kapag tungkol sa jazz.
Oh, ayan, mga beshy! Magpaturo na kayo kung paano mag-floating nang sa gayun ay maging sulit at masaya ang inyong bakasyon.
‘Ika nga nila, relax-relax din ‘pag may time at huwag patayin ang sarili sa katatrabaho.
Okie?




Comments