HOROSCOPE | MARSO 13, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 13, 2019 (Miyerkules): Harapin mo ang mga kaaway mo nang bukas ang iyong puso dahil ang panalo ay para sa iyo. Ito ang sikreto para magkaroon ka ng magandang kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang pakikipagtalo. Sa araw na ito at ilang araw pang darating, gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-19-20-24-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tahimik mong isagawa ang iyong mga plano. Iwasan mong malaman ito ng iba dahil may babala na posibleng gayahin ka nila at maaaring maunahan ka pa nila sa pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-27-33-35-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Kumonsulta ka sa mga nauna na sa iyo. Marami na silang alam na puwede mong pakinabang nang sa gayun ay makaiwas ka sa mga problemang pinagdaraanan nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-11-15-23-39.
CANCER (June 21- July 22) - Iwasan mong maibulalas ang matagal mo nang sama ng loob dahil hindi mo maiiwasan ang galit mo na maaaring maging malakas na baha kung saan marami ang magigiba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-19-20-24-25-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang nakatutuwang kapalaran mo na nagsasabing kikilos ang mga lantad at lihim mong kaaway, pero sa bawat pagkilos nila, ikaw ang makikinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto6-17-20-21-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya dahil maliit lang ang tsansa na magagawa mo ito nang mag-isa. Mas maganda kung mapakikinabangan ito ng iba lalo na ang mga malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-13-18-22-28-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdahan-dahan ka sa mga araw na ito dahil may babala na kapag nagmadali ka, ikaw ay madarapa. Ang kumikilos nang marahan ay kusang gumagana ang isip, kaya hindi nagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-29-30-35-48.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang taong matigas ang ulo ay madalas na naninindigan sa nasabi na nila sa kanilang sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-20-25-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang kumibo sa harap ng mahal mo sa buhay na magpapakita sa iyo ng galit. Kahit ang magkakaibigan ay hindi nagkakaintindihan, pero nananatili silang nagmamahalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-29-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kikilos ang kapalaran mo na pabor sa iyo, kaya lang sa una ay hindi ka maniniwala. Gayunman, sa maniwala ka o hindi, hindi na ito mahalaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-24-28-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong baguhin ang naiplano mo na. Ang kailangan lang naman ay ang mabilis mo itong maipatupad. Kaya mas maganda kung kikilos ka na at hindi na magdadalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-20-21-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo makukuha sa bilis ang pag-asenso. Kaya ituloy mo ang iyong pagsisikap nang sa gayun ay gumanda ang iyong hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-20-27-33-38.




Comments