top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Balik-'Pinas sa Abril, Coco… KALAT NA: JULIA, SA GERMANY NANGANAK

Beth Gelena
Mar 13, 2019
2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

UUWI na raw ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa Abril mula sa pagbabakasyon sa Germany. Ngayon pa lang ay marami na ang naghihintay sa pagbabalik niya.

Ayon pa sa tsikang nasagap namin, kaya raw babalik na si Julia ay dahil may proyekto siyang gagawin. Isasama umano siya sa Ang Probinsyano kapalit ni Yassi Pressman.

Tatapusin na lang daw ang episode nina Yassi at Edu Manzano at isasalang na si Julia.

Sa ngayon ay nag-aaway na raw ang mga fans nina Yassi at Julia dahil kay Coco Martin, ang bida sa Ang Probinsyano.

Ayon sa mga fans ng Coco-Jules, bakit daw hindi pa inaalis si Yassi para maka­pasok na ang kanilang idolong si Julia?

Sagot naman ng Coco-Yass fans, mas nagklik kasi ang tambalan ng dalawa, unlike noong sina Maja at Bea Alonzo ang naka­sama ng aktor. May chemistry daw sina Coco at Yassi.

Maraming isyu sa pagbabakasyon ni Julia sa Germany. Kesyo buntis siya at nanganak doon.

May balita pang engaged na siya dahil sa naka-focus niyang daliri sa IG niya, makikitang may suot siyang singsing. Espekulasyon ng mga netizens, engagement ring ‘yun.

Ang tanong, sasagutin kaya ng aktres ang lahat ng questionable issues na iniwan niya nu’ng siya’y umalis? ‘Yan ngayon ang tiyak na aabangan ng mga nasa showbiz circle.

Samantala, nag-post si Julia sa kanyang social media ng pakikiramay sa pamilya ni Chokoleit.

Ibinahagi ni Julia ang pagbati sa kanya ng stand-up-comedian-actor nu’ng birthday niya last year.

Nilagyan niya ito ng caption na: ”This is a very sad news... This tweet last year ng birthday ko the ever sweet Mama Choks greeted me... Since Mara Clara isa siya sa taong napakasarap katrabaho... Hanggang sa nakasama ko siya muli sa Asintado…”

“Hirap paniwalaan almost a year lang ngayon hindi ka na namin kasama... We will miss you Mama Choks! I know sila naman pasasayahin mo sa heaven...”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page