Wanted na kawatan tiklo
Pabs Hernandez III
Mar 12, 2019
1 min read
ZAMBALES—Isang wanted na magnanakaw ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Matain, Subic sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Reinan Buttre, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Buttre sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft.
Hindi naman nanlaban si Buttre nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments