UAAP PLAYER OF THE WEEK: EYA LAURE NG TIGRESSES


Photo : @eyalaureee
LUMALAGARE si Eya Laure kapag kinakailangan lalo nang mawala sa University of Sto Tomas ang main arsenals.
Ipinakita ng rookie ang lakas niya sa scoring, tikas at puso upang matulungan ang Tigresses para sa unang back-to-back victories sa UAAP season 81 women’s volleyball tournament.
Nakatipon si Laure ng averaged 17. 5 points kada game at malinis na nakapagdeliber ng laro para sa España based squad laban sa three-time defending champion De La Salle University at National University at kunin ang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week honors.
Nanggaling sa masaklap na pagkatalo dahil na-injured si UST Fil-Am sophomore hitter Milena Alessandrini, nagbalik aksiyon ang Tigresses kung saan si Laure ang namuno.
Nakapagbagsak ang wing spiker ng 15 puntos, 13 mula sa atake at 17 digs noong Miyerkules nang idiskaril ng UST ang Lady Spikers, 25-20, 25-22, 25-17 na unang panalo ng UST kontra DLSU mula season 78. “Ako as a rookie po siyempre, parang La Salle is, nasa taas sila. Itong liga na ito, sila yung defending champions. So isang malaking bagay na din, hindi lang sa akin pero sa buong team, yung ma-boost ang confidence namin na, na kaya din namin,” ani Laure.
Sa sumunod na tatlong araw, muli siyang nanalasa para sa UST 26-24, 25-17, 23-25, 25-17 kontra NU Lady Bulldogs kung saan ang core ay binubuo ng mga karibal ni Laure.
Pumoste si Laure ng 20 puntos. Hindi rin naman akalain ni Laure na pagwagian ang game. “Ano naman, hindi ko naman iniisip nang ganun. Iba naman talaga pag-college, iba ‘yung pinag-uusapan so ‘yung high school, nandoon na iyon, leave it there,” aniya.
Nanaig si Laure kay Sisi Rondina, Ateneo de Manila University’s Kat Tolentino at rookie Lycha Ebon at Heather Guino-o ng Far Eastern University para sa lingguhang recognition na ibinigay ng reporters ng broadsheet, tabloid at online publications na kumokober ng liga. (VA/MC)





Comments