Eroplano bumagsak, 157 patay
- Jersey Sanchez
- Mar 12, 2019
- 1 min read
BUMAGSAK ang eroplano ng Ethiopian Airlines na patungong Nairobi na ikinasawi ng 157 katao na sakay nito kabilang ang walong crews.
Batay sa impormasyon, patungo ang Boeing Flight ET 302 sa Naorobi, Kenya.
Ayon sa kumpanya, nanggaling ang eroplano sa Bole Airport sa Addis Ababa, alas-8:38 ng umaga at nawalan ng contact sa control tower alas-8:44 ng umaga (local time).
Ayon kay Ethiopian Airlines CEO Tewolde GebreMariam, itinawag sa kanila ng piloto na nagkaroon ng technical problems at humingi ng clearance para makabalik sa Addis Ababa.
Dagdag pa nito, lahat ng anggulo ay kanilang ikokonsidera hanggat hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Samantala, idineklara sa Ethiopia kahapon ang day of mourning matapos ang insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatay si Ethiopian Prime Minister Abiy Ahmed, gayundin ang mga lider mula sa iba’t ibang bansa.





header.all-comments