Dapat alam mo kung ano ‘yung talagang gusto mo... MGA PARAAN PARA GANAHAN SA TRABAHO
No Problem

HINDI natin maikakaila na mayroong pagkakataon na nako-confused tayo kung pagod lang tayo sa trabaho o kung kailangan nating magpalit ng career path kaya kung minsan, eh, nakagagawa tayo ng desisyon na pinagsisisihan natin. Pero, mga beshy, knows ba ninyo na keri nating maiwasan ang mga ito?
Tips para muling mahalin ang trabaho, alamin:
1. MAKE A LIST OF THINGS YOU WANT TO IMPROVE. Mahalagang hakbang ito upang malaman mo kung ano ang mga bagay na gusto mong baguhin sa magandang paraan. Maglaan ka ng oras upang pag-isipang mabuti ang mga bagay na ilalagay mo rito.
Inirerekomenda ng mga eksperto na maging partikular sa mga bagay na gusto mong mabago, kabilang dito ang nakadi-distract na paligid, mabagal mong pagkilos o ang mga katrabaho mo na may hindi kaaya-ayang pag-uugali.
2. FIGURE OUT WHAT YOU REALLY LOVE TO DO. For sure, may partikular na parte ng trabaho natin ang gustung-gusto nating gawin. Pero, ano nga ba ang dream job description mo?
Kung may pagkakataon ka at kung sa tingin mo ay posible, kausapin mo ang iyong supervisor na dagdagan ang mga task na may kaugnayan sa gusto mong gawin, araw-araw. Maaari itong maging paraan para makuha mo ang iyong dream job description. Tiwala lang!
3. DON’T BE AFRAID TO ASK FOR SUPPORT. Kung masyado nang marami ang workload mo na kung minsan, eh, nawawala na sa isip mo na mag-break, oks lang kung humingi ka ng tulong sa pinagkakatiwalaan mong workmate.
Gayundin, kausapin mo ang iyong supervisor tungkol dito nang sa gayun ay mabalanse niya ang workload na ibibigay niya sa iyo. Okie?
4. STAY PRESENT. Hindi lang sa attendance kundi mentally, beshy! Siguradong hindi sa lahat ng oras, eh, nakapagpo-focus tayo sa task na ating ginagawa dahil hindi maiiwasang sumilip sa FB, Instagram o YouTube.
Kung wala kang masyadong kailangang gawin, mabuting mag-isip ng mga bagay na puwede mong simulang gawin, gayundin puwede kang tumulong sa iyong katrabaho na sobrang busy.
5. CREATE A HIGH-VIBE WORKSPACE. Paminsan-minsan, puwede rin nating bigyan ng makeover ang ating work station tulad ng pagtanggal ng mga bagay na hindi mo na ginagamit at paglalagay ng quotes o Bible verse na nakamo-motivate sa iyo.
Sa ganitong paraan, mas gaganahan kang magtrabaho kahit marami ka pang kailangang gawin. Copy?
6. MAKE A ‘GRATITUDE LIST’ FOR YOUR JOB. Ilista mo ang mga bagay na may kaugnayan sa trabaho mo na masaya ka dahil mayroon ka, malaki man ito o maliit.
Ayon sa pag-aaral, ang paglilista ng mga bagay na gusto mong ipagpasalamat ay nakatutulong upang maging positibo ang indibidwal sa kahit anong pagkakataon. Kaya beshy, ilabas mo na ang listahan! He-he-he!
7. REMIND YOUR SELF WHY YOU TOOK THE JOB. Mag-throwback muna tayo, besh! Naaalala mo pa ba kung bakit mo tinanggap ang trabahong ‘yun o kung bakit ka nagpursige na apply-an ‘yun? Hmmm… ayon sa mga eksperto, parang love life rin ‘yan — kung napapagod o nagsasawa ka na, subukan mong bumalik sa umpisa. Ganern!
Huwag tayong mapagdalus-dalos sa pagdedesisyon para hindi tayo magsisi, mga lodi!
Kaya para sa mga bro at sis natin diyan na nako-confused, make sure na mababasa ninyo ang mga ito, ha?
Have a happy working life!
He-he-he!





Comments