Alamin mula kay Maestro... PAGSUBOK AT MGA SULIRANING KAHAHARAPIN NG MGA AHAS
- BULGAR

- Mar 12, 2019
- 3 min read

SINASABING dahil likas na matalino, hindi basta-basta natatalo ng mga pagsubok at mga suliranin ang Ahas.
Sa halip, kadalasan pa nga ay nagagawa nilang iwanan at balewalain na lamang ang mga problemang dumarating. Subalit, kapag nagseryoso, kahit gaano pa kahirap at kabigat ang mga problema ay kayang-kaya nila itong solusyunan, kaya sinasabi ring wala kang makikitang Ahas na sobrang bigumbigo sa buhay dahil sa totoo lang, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, kahit na ibaon mo sa problema at mga suliranin ang Ahas, kung gugustuhin talaga nila, madali at kayang-kaya talaga nilang makaahon, agad-agad.
Sabi nga, sa aklat na Chinese Elemental Astrology ni E. A. Crawford etal, “The Chinese believe that the Snake is one sign who must, by hook or by crook, resolve any Karmic problems within the span of his lifetime.” Ibig sabihin, kahit kulungin mo pa sa rehas ng mabibigat at nakatakdang mga problema at suliranin ang Ahas, tiyak na babaluktutin lang niya ang rehas ng mga problema, hahakbang siyang palayo sa selda, parang walang nangyari at muling magiging malaya at maligaya.
Sa sining, career at propesyon, sinasabing may kakayahan ding makalikha ang Ahas ng masterpiece na kanyang nililok o ginawa na bagama’t, hindi “a-appeal” sa pangkaraniwang tao, sa mundo naman ng mga supistikadong tao na may malalim na kaisipan at mundo ng mga matatalino ay tunay ngang hahangaan at pararangalan ang mga likhang sining ng Ahas dahil siya ay mayroong sobrang lalim na panlasa sa sining at kultura. Dagdag pa rito, dahil may kakaibang magnetismo at pang-akit na kinumbinasyon pa nang mabilis na Ahas, bagay na bagay sa kanya ang mga propesyong may kaugnayan sa politika, artista at religious leader.
Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, tugmang-tugma sa pagkatao ng Ahas ang kasabihing “kapag tahimik ang dagat tiyak na ito ay malalim.” Oo, sobrang lalim talaga ang pagkatao ng Ahas, pilit niyang itinatago ang kanyang damdamin. Kadalasan ay nagkukunwari siyang “okay lang”, pero ang totoo “ay hindi siya okay.” Sa pag-ibig ay ganundin, hindi niya ipahahalata na gusto ka niya, pero ang totoo, patay na patay siya sa iyo!
Kung minsan naman, hindi niya nae-express ang kanyang sarili sa natural na paraan dahil kapag umiibig siya at nagmamahal, pinaplano pa niya ito bago i-execute o ipatupad ang kanyang diskarte.
Wala sa kanya ‘yung salitang “act naturally” kapag siya ay umiibig at nagmamahal. Subalit, kung magagawa lamang niya ang nasabing diskarteng, “kumilos ka lang nang natural” makararamdam siya ng mas masarap at malasang kaligayahan na dulot ng tunay at dalisay na pag-ibig.
Dahil sa ugaling ito ng Ahas, hindi siya “showy” sa eksaktong salita, napalalagpas tuloy niya ang masasarap na karanasan sa pag-ibig na dapat sana ay tinatamasa niya sa kasalukuyan kung saan halos baligtad sila ng ugali ng Aso na kapag “umibig at nagmahal, sagad sa buto na ini-express at dinarama talaga niya ito”.
Pero, ang ikinaganda naman sa Ahas, sa sandaling nahulog na ang loob niya sa iyo at tuluyan na siyang nai-in love dahil hindi na niya magagawang itago pa ang kanyang damdamin at sa sandaling itong lumalabas ang pagiging sensuwal at malambing ng Ahas. Kaya naman kung tutuusing mabuti, masarap din siyang maging boyfriend, girlfriend o mapangasawa dahil may kakayahan din siyang i-express nang todo-todo ang pagnanasa niya sa iyo, sa mas malambing, mainit at masarap na paraan.
Makabubuo ng meaningful at masayang relasyon ang Ahas at Dragon, ganundin ang Tandang at Baka ay tugmang-tugma rin sa Ahas.
Magiging maayos din at tugma ang relasyong Ahas, Kuneho at Kambing o Tupa kung saan makabubuo rin sila ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na pamilya.
(Itutuloy)




Comments