top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tindero niratrat ng mga armado

Pabs Hernandez III
Mar 11, 2019
1 min read

ALBAY—Isang tindero ang napatay nang pagbaba­rilin ng mga hindi kilalang armadong salarin sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Jovellar sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Bobby Nuyda, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nasa loob ng kanyang bahay si Nuyda nang pumasok ang mga sus­pek at dito pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page