top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palaban talaga! ANGELICA, IPINAGSIGAWANG 'DI NAGSISISI NA NAGPALASPAG KINA JOHN LLOYD, DEREK AT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUMAKALAT ngayon sa social media ang screenshot ng group chat ng ilang fans diumano ni Carlo Aquino, kung saan pinag-uusapan ang buhay ng aktres na si Angelica Panganiban at ang mga lalaking kanyang nakarelasyon.

In-upload ito sa Instagram ng isang neti­zen na may username na @atienza_kate.

Makikita sa screenshot na pinag-uusapan ang mga lalaking dumaan na raw kay Angelica tulad nina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz, at tinawag na ‘laspag’ na raw ang aktres.

“Sa dami na ng lalaki na dumaan kay Angge kaya laspag na katawan niya…” ang naging pahayag ng netizen na may account name na “Meiry Ann”.

Sinagot ito ng isang netizen na may “Margaux” na account name.

Aniya, “[In fairness] naman tatlo lang — sa pagkakaalam ng lahat — pero grabe makalas­pag.”

Dagdag pa niya, “Lalo na si JLC LOL. Or si Derek? Both — kasi sila ‘yung naka[live] in.”

Balik-sagot ni Meiry Ann, “Kita naman sa katawan na na­laspag talaga nila si Angge.”

Ayon kay Kate na nag-upload ng screenshot, tila mga fans ni Carlo ang dalawa.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Kayo [na] ang manghusga sa mga ‘yan #angelicapanga­niban #carlo­aquino grabe ang mga #carlo­holix.”

Nakarating agad ito kay Angelica kaya noong Sabado (March 9), sa pamama­gitan ng kanyang Instagram Story ay sinagot ng aktres ang paratang ng diumano’y dala­wang fans ni Carlo.

“Dear Margaux, alam mo kung sino ka. Alam mo rin ang mga sinabi mo,” pani­mula ni Angelica, kung saan tinukoy niya ang isang babae mula sa group chat.

“May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko maipag­mama­laki. Naging matabil ako. Nagsasalita ng hindi nag-iisip. Kaya, naisip kong magbago.

‘Yung kahit ano’ng mangyari sa ‘yo, ‘wag na ‘wag kang magsasalita ng ma­sa­kit laban sa ibang tao. Lalung-lalo na sa kababa­ihan,” paliwanag ng aktres.

Sinabi rin ni Angelica na hindi dapat naghihila­han pababa ang mga kaba­ba­ihan.

Aniya, “Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa. ‘Wag kang mana­kit ng tao. Lalo na at wala akong ibang ipinakita sa inyo kung hindi kabutihan.

Diin ni Angelica, “Lalo na sa ‘yo. Hindi kita ka­pamilya o kaibigan, pero kahit minsan, hindi kita binastos…”

Sunod na in-upload ni Angelica sa kanyang Instagram Stories ang quote na, “Never apologize for being a powerful f*cking woman.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page