Nabutas daw ang bulsa niya sa misis mo, Yael… RYAN, KUMANTANG GINASTUSAN SI KARYLLE, 'DI NAKATI
Beth Gelena / BULGARY FILES

DATI nang nagkaroon ng hidwaan ang dalawang hosts ng It’s Showtime na sina Karylle at Ryan Bang. Silly lang naman ang tampuhan ng dalawa kung saan ang dahilan ay ang paghihintay ni Ryan kay Karylle.
May usapan kasing manonood ng concert ang dalawang hosts. Dumating si Ryan nang on-time sa venue. Nainip siya dahil halos one hour daw niyang hinintay si Karylle.
Ani Karylle: “Alam mo naman ang concert, kapag sinabing 8 (PM) ang start, hindi agad mag-uumpisa ‘yan.”
Sagot ni Ryan: “Hindi ko alam, eh. Sana, sinabi mo sa akin, para hindi ako naghintay nang matagal.”
Nag-sorry naman si Karylle at na-patch-up ang tampuhan ng dalawa.
Muling naulit ang himutok ni Ryan sa co-host. Nu’ng last Friday sa Tawag ng Tanghalan segment, sinabi ni Vhong Navarro na “Karylle, may sinasabi si Ryan.”
Tanong ni Karylle, “Ano ‘yun?”
Sagot ni Ryan, “Ang ganda-ganda mo, Ate Karylle.”
Bago kasi ang hairdo ni Karylle.
Pinasalamatan ni Karylle si Ryan.
Sabi ni Vhong, “Hindi ‘yan ang sinasabi mo kanina, Ryan. Sabi mo, inilibre mo si Karylle at ang mahal ng binayaran mo.”
Nangiti si Karylle at hindi itinanggi ang panglilibre sa kanya ng Koreanong host.
Ani Karylle, “Konti lang naman ang kinain ko, ah?”
Sagot ni Ryan, “Konti ba ‘yun? Ang dami mo inorder.”
Anim na klase raw ang inorder ng kanyang kapwa It’s Showtime host. Ang binayaran daw niya ay P4,600.
“‘Di naman kita syota, eh, mahal ng binayaran ko,” natatawang sabi ni Ryan, sabay dugtong ng “I love you, Ate Karylle.”
“Thank you, Ryan. Now, alam mo na kapag nagka-girlfriend ka,” ngiting sabi naman ni Karylle.
Ganyan kung magmahalan ang It’s Showtime hosts, nagbubukingan.





Comments