Binoykot ng fans, ipinatatanggal sa Big Bang… SEUNGRI, BUGAW DAW, SUSPEK SA PROSTITUSYON
- Lee Vin Nia
- Mar 11, 2019
- 2 min read

PATULOY pa rin ang controversy kay Seungri ng Big Bang hinggil sa involvement niya sa Burning Sun club na actually ay lumaki na nang lumaki ang issue.
Ang latest update ay inanunsiyo na ng mga otoridad na suspect na si Seungri sa prostitusyon at iimbestigahan for violating the law on prostitution.
Ang akusasyon kay Seungri ay agent for prostitution or dito sa atin ay “bugaw” sa mayayamang kliyente base na rin sa lumabas na conversation niya sa chatroom (Kakao Talk) with a certain employee named Kim, Mr. Yu of Yuri Holdings and a singer identified as “C.”
Ayon sa isang source from the police na lumabas sa Naver and Soompi, “We booked Seungri and changed his status to that of a suspect in order to issue a search and seizure warrant and clear (Seungri) of the suspicions (surrounding him).”
Nauna nang itinanggi ng management ni Seungri (YG Entertainment) ang akusasyon na ito saying that the text messages were manipulated.
Samantala, dahil sa sunud-sunod na iskandalong kinasasangkutan ni Seungri, gumawa na rin ng appeal ang malaking online fan community ng Big Bang na DC Big Bang Gallery na alisin na ang singer sa grupo.
Naglabas ng statement last March 9 ang online community na may titulong “Calling for YG Entertainment to remove Seungri” at dito ay nakasaad na… “We strongly call for the removal of Seungri, who has seriously tarnished the image of his agency and his group by being involved in the Burning Sun incident, which has ignited rippling social ramifications, and by using BIGBANG’s name in his personal businesses.”
Nakasaad din sa statement na as of March 9, hindi na raw susuportahan ng DC Big Bang Gallery si Seungri.
Hati naman ang opinyon ng mga fans ng Big Bang at hindi lahat ay umaayon sa statement. Anila, hindi puwedeng kumilos ang DC Big Bang Gallery as a representative sa buong fandom.
Sa ngayon ay wala pang makapagsabi kung ano ang kahihinatnan ng kontrobersiyang ito. Nag-anunsiyo na ang YG Entertainment noon pa na nakatakdang magpa-enlist si Seungri sa military on March 25 pero ngayong may pormal nang akusasyon sa singer ay may posibilidad na hindi matuloy ang enlistment.





Comments