12 patay sa bumagsak na eroplano
- Jersey Sanchez
- Mar 11, 2019
- 1 min read
PATAY ang 12 katao matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Colombia.
Batay sa ulat, ini-report ng piloto na mayroong technical problem ang Douglas DC-3 aircraft na isang twin-engine propeller plane.
Napag-alaman na ang naturang eroplano ay nanggaling sa Taraira at bumagsak sa Villavicencio town.
Gayunman, nadiskubre ang wreckage isang oras matapos mawalan ng contact ang traffic control.
Patuloy na iniimbestigahan ng Aviation authorities ang sanhi ng insidente.
Samantala, ayon sa Aeronautica Civil Aviation, walang survivor sa aksidente ngunit, wala pang detalye tungkol sa pagkakakilanlan ng mga nasawi.





Comments