Wanted na pusher dedo sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 10, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang wanted na pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Manguiring, Calabanga sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Anthony Villanueva, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ni Villanueva sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte, pero nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments