top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Shoutout sa mga magulang na gustong maging healthy ang kanilang mga junakis… TIPS PARA MAPAKAIN NG G

Donna Thea Topacio
Mar 10, 2019
2 min read

No Problem

KUNG may mga batang bet na bet kumain ng gulay, for sure, mayroon ding mga bagets na ayaw kumain nito. Kaya mommies, na­rito ang ilang tips para matutong kuma­in ng gulay ang inyong mga anak:

1. MAKE A SCHEDULE. Kung gusto mong maging tama ang oras ng pagkain ni bagets, make sure na magiging ba­lanced ito nang sa gayun ay hindi siya maging grumpy o iritable. Ini­rerekomenda ng mga eksperto ang pagbaba­on ng packed lunch o snacks tuwing kayo ay nasa labas upang maiwasan ang pagkain sa fastfood.

2. PLAN DINNERS. Struggle is real talaga sa pagpaplano ng kakainin lalo na kung marunong nang mamili ng pagkain ang bata. Dehins naman kaila­ngang buuin ang isang linggo, mamsh! Puwe­deng gawin muna ito ng dalawa o tatlong beses sa isang linggo hang­gang sa masanay ka na. Copy?

3. BITE YOUR TONGUE. For sure, darating sa puntong mahihirapan kang sana­yin si bagets na kumain ng gulay at prutas dahil hindi talaga niya ito bet. Pero, mamsh, hu­wag silang pagalitan, bagkus, habaan pa ninyo ang iyong pasensiya. ‘Ika nga nila, tiyagaan lang ‘yan.

4. INTRODUCE NEW FOODS SLOW­LY. Natural sa mga bata na hindi tumikim ng mga pagkaing bago sa panlasa nila. Upang maengganyo si bagets na kumain ng gulay, mahalaga na paunti-unti itong ipatikim sa kanya, gayundin na ipaalam ang mga benepisyong mai­bi­bigay ng gulay sa kanyang kalusugan.

5. GET KIDS COOKING. Kung natututo na si bagets na tumulong sa paghahanda ng kanyang kakainin, siguradong magiging interesado siya na tikman ang pagkain na siya mismo ang nag­handa. Kaya mga mamsh, kung keri na ng inyong anak, go na!

6. CUT BACK ON JUNK. Tandaan, ikaw ang responsable sa mga pagkain na nasa inyong bahay. Ang hindi pagkakaroon ng junk food sa bahay ay magandang paraan para prutas at gulay lang ang makakain nina bagets.

7. HAVE FUN. Kapag creative ang paghahanda ng pagkain, mas mataas ang tsansa na maging interesado ang mga bata sa pagkain nito. Perfect itong ga­win gamit ang maku­kulay na mga gulay. Gora na sa palengke, mamsh!

8. BE A ROLE MODEL. ‘Ika nga nila, ang mga magulang ang unang guro ng mga bata. Ang pagpapakita sa inyong anak na kayo ay kumakain ng gulay ay makaiimpluwensiya sa kanila na kumonsumo ng masusustansiyang pagkain.

Mas mabuting sana­yin sina bagets na kumain ng mga gulay dahil sa napakaraming benepisyo na maibi­bigay nito sa kanilang katawan. Extra challenge nga lang ito para sa mga bagets na nasanay kumain ng mga karne o processed food. Pero, go, go, go lang dahil worth it ang magiging resulta nito, parents!

Okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page